Sometimes, The Heart Decides For Us

“I’m just scared to be close to someone who will eventually leave me. That’s all.” -Barbs

(Barbs)

Pagkaalis na pagkaalis ko sa classroom, tumakbo na agad ako sa locker ko para kunin ang mga gamit ko para umalis at umuwi, gusto ko nang pigilan yung mga luha ko sa pagtulo pero hindi ko magawa,pinapahid ko na lang yung kamay ko sa mukha ko para tumigil pero wala talaga eh. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Masakit na sa ulo, masakit din sa puso. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Gusto kong magtago, gusto kong mawala, nahihirapan na ako. Bakit ba kasi kailangan niyang maging ganun? Sa simula palang hindi na ako sigurado sa motibo niya kung bakit niya ako tinulungan eh, kung bakit niya ako pinush para sumubok ng isang bagay na matagal ko nang pinahalagahan. Hindi ko maintindihan eh, pero masakit. Umiiyak ako hindi para kay Cyrus kundi para sa sarili ko, umiiyak ako para kay Vicky, parti sila ng buhay ko na dumating at nawala sa isang iglap.

Pagdating ko sa bahay, ni hindi ko pinansin sila Ate Cielo kahit pa nakita na nila akong umiiyak. Gusto kong yakapin siya pero alam ko namang hindi niya maiintindihan. Nagtago na lang ako sa kwarto para ilabas lahat ng luha ko.

Ang mga pangyayari minsan talaga hindi natin mapipigilan na mangyari, ito yung mga “fortuitous events”. Ang mga pangayayring ito walang pakialam kung may masasagasaan, mapapatay, malilito, maasar o mababaliw. Sometimes, the heart decides for us. Kahit na ayaw natin, mararamdaman at mararamdaman talaga natin sila, minsan nga hindi mo alam pero nakapagdecide na yung puso mo tungkol sa mga bagay na ayaw mo naman talagang mangyari in the first place. Itong sakit na to? Isa to sa mga lintek na fortuitous events sa buhay ko, hindi ko naman kasi mapipigilan e, kung hindi ka ba naman kasi gago, hindi rin naman kasi mangyayari to. Sabi nga nila, “Every perosn in our life comes because we need to learn from them or they need to learn from us”, actually, di ako sure kung yun nga yung quote pero ayun yung naisip ko para sa ating dalawa. Siguro, ikaw yung taong nagbigay sakin ng lesson na dapat maging maingat at wag padalos-dalos kahit na ilang taon akong gumawa ng pader na bigla mong winasak sa di ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko to mararamdaman pero alam kong matalagal bago ako makapagtiwala agad.

Hindi ka naman masama e, pero sana bago mo ako kinaibigan at “tinulungan” sana siniguro mo muna na wala kang masasaktan. Kasi tao lang ako, dre, nasasaktan. Kasi kahit ayaw ko, nakapagdecide na yung puso ko ng hindi ko namamalayan eh.

———————————————-

Papasok ako ngayon at kakalimutan ang mga nangyari, susubukan kong maging composed kahit mahirap, kahit nakakailang, gagawin ko ang lahat para malampasan ang mga pangyayaring ito. I just hope in time my heart will decide for it’s own good.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s