Feelingera

Nakaupo lang ako sa isang tabi, tinitignan ang mga taong dumadaan. May kung anong gumugulo sa isipan. Sa may pintuan ako nakaupo walang hinihintay pero hindi mapigilang tumingin kapag may pumapasok na tao at bumubukas ang pinto.

Isang basong kape at ang mga taong nalilikha lang ng isipan ko ang kasama. Nagdadalawang isip pang umalis nang bigla kang nakita.

Sa kadahilanang hindi naman tayo magkakilala, hindi mo ko tinignan, may tanong na namuo sa aking isipan na gustong sabihin “Anong pangalan mo?” pero hindi kayang sabihin kaya patuloy na lamang tumingin.

Naupo ka sa may bintana na para bang naghihintay ng kasama, gusto kong lumapit at makipagkilala pero dahil babae ako at kailangan maging babaeng pilipina at hindi dapat ako gumawa ng first move. Napatingin ka bigla sa akin kaya napalingon ako at ika’y napailing at napangiti.

Ubos na yung kape, na nagpapahiwatig na dapat na akong umalis, ang kapeng sumimot sa natitirang pera sa aking pitaka. Nag-ayos na ng gamit para habulin ang van pauwi sa amin. Hindi ko inakalang sa ganitong pagkakataon makikita kita.

Tumayo at sa huling pagkakataon ay sumulyap sa iyo. Nahuli kitang nakatingin sa akin na para bang pinagmamasdan mo ako ng maige. May kung anong kilig na naramdaman. Huminga ng malalim at saka lumakad na paalis.

Umaasang sumunod ka, lumingon ako nakitang kasama mo siya.

originally posted on my tumblr acct on 10/24/2011. Revised and edited.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s