Coincidence or Fate?

Sa dinami-dami ng tea shops sa may university na mapuputahan ko, hindi ko inexpect na dito pa kita makikita. Nakakatawa nga eh, pagpasok na pagpasok mo palang ay napansin na kita kaagad.

Yung tindig mo, yung ngiti sa mga labi mo, yung squint nung mga mata mo. Kung tutuusin ang corny at medyo creepy na yung mga sinasabi ko kasi hindi naman kita kilala, pero may napansin kasi akong something sayo. Siguro yun na yung sinasabi nilang “one thing” kaya agad akong naattract sayo.

Napansin mo yatang nakatitig ako sayo dahil napatingin ka sa akin at napangiti, medyo nakakahiya yun kasi nahuli mo akong nakatingin tapos nginitian mo pa ako. Pagkatapos mong magbayad, tumingin ka sa paligid kung may mauupuan pa ba, patay malisya lang ako kunwari sa mga kilos mo na papalapit sa isang table, napalingon ako sa likod ko dahil may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko ulit sa libro ko nasa harapan na kita. Medyo nagulat pa nga ako at bumaling sa gilid yung ulo ko sa pagtataka kung ano ang ginagawa mo sa harap ko.

“Miss, may kasama ka ba?” tanong mo at tinignan mo yung isang upuan sa harap ko.

“Wala.” sabi ko naman at napangiti ako.

“Pwedeng makiupo?” tanong mo ulit. Tumingin ako sa paligid kung wala na bang bakanteng lamesa at sakin ka pa talaga lumapit. Nakita kong wala na kaya tumango ako at naupo ka.

Hindi tayo nagkibuan pero natutuwa ako sa mga nangyayari. Ngayon lang nangyari na matuwa ako sa ganitong bagay madalas kasi parang wala lang saakin kung may makiupo o wala. Naisip ko naman, attracted kasi ako sayo kaya ganun.

Napatingin ako sayo at nakita ko sa uniform mo na pareho tayo ng university na pinag-aaralan.

May mga ilang bagay akong napansin sayo at gusto ko sanang magtanong tungkol sa’yo. Pero nahiya naman ako dahil hindi naman nga tayo magkakilala. Napansin ko yung tattoo mo sa likod ng kanang kamay mo malapit sa thumb mo, napansin ko rin na may peklat ng tahi sa kaliwa mong braso. Sinuot ko na lang ulit yung salamin ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng librong dala ko dahil nahuli mo nanaman akong nakatitig sayo, napangiti ka tuloy.

Medyo awkward yung ganito para sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo sa mga oras na to, siguro weird akong tignan at malamang nagfifeeling ka na na may gusto ako sayo.

Madali kasi akong magkacrush eh. Kaya mabilis din akong makapansin ng mga simpleng bagay na nasa’yo, tulad ng tattoo at peklat mo, gusto kong malaman kung anong ibig sabihin ng tattoo mo at kung bakit ka nabalian. Pero hindi maari kasi hindi naman kita kilala.

Hindi na ako nakapagconcentrate ng ayos sa binabasa ko dahil sa mga tanong na sumusulpot sa utak ko na alam kong ikaw lang ang makakasagot.

Medyo matagal din akong nakatitig lang sa libro ko at walang pumapasok sa utak ko para sa exam ko mamaya. Nagising lang ako nung magtext yung classmate ko sakin na malapit na magtime at baka malate nanaman ako.

Medyo nataranta na ako at biglang nag-ayos ng gamit para umalis, nahulog pa nga yung salamin ko at ikaw pa ang pumulot ng mga ito, nagthank you lang ako at umalis na.

Paglabas ko ng shop medyo nalungkot pa ako dahil hindi ko man lang nakuha yung pangalan mo. Pero naisip ko rin na sa laki ng university natin imposibleng magkasalubong pa tayo ulit.

Nabigla ako nung may humawak sa balikat ko at paglingon ko ikaw pala yung nandun.

“Sorry, nagulat ka yata.” sabi mo pa na parang nahihiya ka.

“Medyo lang. Bakit?” tanong ko sayo.

“Gusto ko lang kasi malaman yung pangalan mo. I’m Ian.” sabi mo sabay ngiti, inextend mo pa yung kamay mo para makipagshake hands.

“Pauline.” kinuha ko yung kamay mo at ngumiti rin.

“Nagmamadali ka yata, sige balik na ako.” Lumakad ka na pabalik sa shop at kumaway ka pa sakin.

“Nice to meet you, Ian.” binulong ko sa sarili ko.

Lumakad ako papuntang class ng may ngiti sa labi at magaan ang loob.

originally posted on my tumblr acct on 03/22/2012, revised and edited

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s