Sabi Lang Nila

“Pauuuuuu! Dali may narinig ako na sinabi nung isang freshie tungkol sayo!” salubong sakin ni Charm.

“Oh? Ano naman sabi?” pagtataka ko, wala naman akong kilalang freshmen dito sa university.

“Sabi nila ang ganda mo daw, at ang swerte nung lalaki mo.” sabi niya sakin ng nakangiti.

“Eh? San naman niya napulot yun? Lalaki? Sinong lalaki?” tanong ko naman.

“Sus, pahambol ka pa, may boylet ka pala ni hindi mo man lang binalita sakin.” sumimangot siya.

“Gaga, naniwala ka naman sa sinabi nun? Sus, sabi niya lang yun.” sagot ko naman sa kanya.

————-

Buong araw kong inisip kung sino yung nagsabi nun, biruin mo pang sabihin na ang werte ng lalaki ko, nakakatawang isipin na may magsasabi ng ganun tungkol sakin. Flattered ako pero hindi parin ako naniniwala.

*beep* *beep*

from: 0915*******

“Hi. Balita ko ang swerte daw ng lalaking gusto mo?”


Eh? sino naman to, nako, bahala siya diyan hindi ko siya rereplyan.

Papunta na akong moonleaf nung maalala ko na may nakalimutan ako sa locker ko. Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Enzo, yung lalaking super crush ko ever since nakita ko siya sa minor prod ng org namin. Hindi ko maexplain eh, although kasama ako sa prod na yun hindi naman ako yung leading lady niya so kebs niya naman sakin diba? 

Pagdating ko sa locker ko, kinuha ko na yung libro na due for reading namin for the next day. Pagdating ko ng 2nd floor lobby wala ng tao, nakakapagtaka lang kasi 4pm pa lang naman eh tas wala nang tao, medyo nakakatakot pa naman sa building namin. May lalaking naglalakad papunta sakin pero hindi ko na lang siya pinansin at naglakad papuntang stairs, nasa may hagdan na ako nung naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

“Miss, may nagpapasabi po sa inyo na mag-ingat ka daw kasi iingatan niya daw yang puso mo.” sabay alis yung lalaki.

“Ano daw?! San naman nanggaling yun?” sigaw ko dun sa lalaki.

Napailing na lang ako at natawa, nakngtokwa naman oh, may nantitrip lang sakin kaya siguro may ganun. Kung sino man yan bahala siya sa buhay niya.

Pagbaba ko ng 1st floor lobby, nabunggo ako sa isang matigas na dibdib.

“Tangna! Aray ko!” sabay hawak sa ulo ko.

“Ay miss, sorry po. May nagpapasabi pala na wag kang mag-alala kasi hihintayin ka daw niya.” tas umalis na rin yung nakabunggo ko.

Ano bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan mga nangyayari eh. Sa laki ng university na ‘to paano ko malalaman kung sino yung nagpapasabi nung mga yun?

Deretso na ako ng moonleaf, imimeet ko kasi Che para sa org chenes namin. Ako kasi yung naassign para dun sa recruitment para sa org fair. 

Binuksan ni kuyang taga-bukas ng pinto yung pinto tas pagkapasok ko may batang sumalubong sakin at niyakap ako. Natuwa naman ako kasi ang cute-cute nung bata.

“Ate, ate, may nagpapasabi po na dahil sa smile mo daw, gumagaan ang pakiramdam niya. Kaya magsmile ka lang daw po lagi ah. Babye.” bumalik na yung bata sa nanay niya. Nginitian ko na lang yung nanay niya at napailing.

Napangiti naman ako sa nangyari, nako, sino ba kasi tong nagpapasabi ng mga kung anu-anong chenes na yan. Nakaka-tatlo na siya ah. Pagnagtuluy-tuloy ‘to baka maniwala na ako.

Umupo ako sa tabi ni Che at nagsimula na kaming dalawa mag-usap para sa org fair, bigla naman tinawag yung name ko sa counter. Eh hindi pa naman ako nag-oorder. Lychee Yakult na may nata. Anyare? Nagtataka na talaga ako kung ano nangyayari sa mundo. May note pa yung drink ko.

“Next time na lang yung thank you ko galing sayo. :)”

Ni wala man lang pangalan. 

“Naks! May admirer si ati! Kanino galing yan?” tanong ni Che.

“Ewan ko nga eh, alam mo ba? Kanina pa yan. May mga lumalapit sakin tas may sinsabi sila na stuffs pinapasabi lang daw sa kanila.” kwento ko.

“Naks! Ang haba naman ng hair mo. Di ko kinaya! Ganda mo ngayon ah!” biro niya.

“Hay naku, tapusin na nga natin to para maayos ang lahat para idaan ko na sa org room mamaya.” sabi ko.

Yung buong stay namin ni Che sa moonleaf mga 8 post-its ata ang naabot sakin ng kung sinu-sinong tao na may mga sulat na “Galingan mo sa org niyo ah, ang galing mo kasing umarte eh.” “wag mong kakalimutan magsmile ah. :)” 

Natatawa na lang kami ni Che sa mga nakasulat dun. Kung naniwala siguro ako sa mga sinabi nung ugok na ‘to baka anlaki-laki na ng ulo ko.

Pagkatapos namin ni Che, naghiwalay na kami dahil may class pa siya at idadaan ko na sa org room yung papers na inayos namin. Pagdating ko sa org room nakita ko si Gerard na paalis na.

“Uwi ka na?” tanong ko.

“Yup, una na ako ah. Ingat ka!” nagbeso kami at lumabas na siya ng org room.

Inaayos ko yung papers dun sa desk ng mapansin ko yung isang box dun sa may dulo ng lamesa. Bumukas yung pinto ng org room nakita ko bumalik si Gerard. 

“Oh? May nakalimutan ka?” tanong ko sa kanya.

“Wala, may nakalimutan lang akong sabihin sayo. Yung box na yun, sa’yo daw yan sabi ni Jec. Okay, yun lang byeeee!” nagflying kiss siya at umalis na.

Napaisip naman ako kung kanino galing yun. May nakalagay pang post-it na pink na merong pangalan ko. Pagkaangat ko ng takip nung box nagulat ako kasi may gummy bears at chupa-chups na lolipop sa loob. Natuwa ako kasi medyo nagccrave ako ng gummy bears eh.

Inayos ko na lang yung mga gamit dun sa org room at chineck yung planner ko if may kailangan pa akong gawin. Tumambay muna ako sa org room since walang tao.

*beep* *beep* 

From: Gerard

Pauline, baba ka sa lobby may iniwan daw si Mars kay kuya guard. Para daw yun sa kapatid mo.


Palabas na ako ng org room nang makasalubong ko si Charie yung classmate ko sa PE at binigyan niya ako ng lolipop tas umalis na lang siya ng hindi man lang sinasabi sakin kung bakit at kanino galing. Nagstairs ako kasi sira nanaman yung elevator. Pagdating ko ng 3rd floor may lolipop nanaman si Gabby yung nag-abot sakin, pagdating ko ng 2nd floor meron ulit tas pagdating ko ng lobby, pinuntahan ko na lang si Kuya Guard tas kinuha yung iniwan ni Mars.

Pabalik na ako sa org room at nagtataka parin ako kung bakit ang daming binibigay sakin ng mga tao. Hindi ko naman birthday at lalong wala namang okasyon para dito.

Pagdating ko sa org room nandun na si Enzo, nakatitig sa bintana. 

“Huy, anong meron diyan?” tanong ko pagpasok ko ng org room, medyo nagulat ko yata siya eh.

“Pangalan mo.” sagot niya sabay turo sa baba.

“Pangalan ko?” nilapitan ko siya at tumingin din sa bintana.

True enough at nakasulat ng in big bold letters ang pangalan ko. Nakakatanga na mga pangyayari ngayong araw ah.

“Bakit nakabalandra sa kalsada yung pangalan mo?” tawa niya.

“Ewan ko. Malay ko. Una yung freshie, pangalawa yung mga pasabi, pangatlo yung box, pang-apat yung lolipop. Ano pa bang susunod? Feeler ako na may susunod pa.” nasabi ko na lang ng malakas at napaupo ako sa upuan.

“Ayus ka, sikat ka ata ngayon.” tawa niya.

“Ay nako, Enzo tigilan mo nga ako.” sagot ko sa pang-aasar niya.

Nag-iwan ako ng note sa table na nandun na yung para sa org fair at okay na lahat. Paalis na ako nung may nabasa akong text.

From: 0915*******

Magpapakilala din ako sa’yo. Nahihiya kasi ako sayo eh. Hindi mo kailangan magalit, basta alam kong naapreciate mo yung ginagawa ko okay na sakin yun. 🙂 Mag-ingat ka.

Napangiti naman ako dun sa text message na nabasa ko. Nagpaalam na ako kay Enzo na nakatingin parin sakin at nang-aasar. Pagbaba ko sa lobby napansin ko na umuulan pala. Hinanap ko yung payong ko sa bag pero hindi ko pala dala yung payong ko. Nakakainis naman oh, ngayon pa!

May mga taong tumatakbo na palabas ng building pero hindi ko magawang tumakbo kasi mababasa yung mga papel na hawak ko. Lumabas na ako at nandito lang sa may silong kasi nga hindi ako makatakbo.

May lumapit sa akin na handsome stranger tas sinabi niya na sumukob na daw ako sa payong niya kasi may nagpapasabi daw.

Huh? Sumukob sa isang taong hindi ko naman kilala dahil pinapasabi niya? Ano ba nangyayari sa mundo?

Hindi pa ako nakakasagot, hinila na ako nung lalaki at pinayungan at nagsimula na kaming maglakad. Hindi na ako nagsalita.

Maraming taong naiisip yung utak ko pero imposibleng sila yun. Lalong lalo namang hindi si Enzo yun kasi inaasar pa nga ako eh.

Nagthank you ako sa nagpayong sakin bago ako makasakay ng jeep. Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng pambayad, may napansin akong papel sa bag ko na wala naman dun kanina. Pagbuklat ko nung papel, galing kay Enzo.

Wag ka kasing tatanga-tanga. Minsan kasi hindi ko alam kung paano lalapit sayo eh. Medyo intimidating ka kasi eh. Sana nagustuhan mo yung mga pasabi ko at yung lolipop at gummy bears. -Enzo

Napangiti ako sa nabasa ko at ngayon alam ko na kung sino siya.

-originally posted on my tumblr acct on 03/29/12

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s