Punto ni Sandra

Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito. Basta ang alam ko mas okay ako kapag nag-iisa ako sa kwarto at nagbabasa.

Araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, puro ingay, reklamo, sigawan at kung anu-ano pa ang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin. Okay lang naman sakin yung ingay nila eh, pero pagtapos ng isang buong araw gusto ko lang umuwi sa bahay, pumasok sa kwarto ko at manahimik.

Pananahimik, minsan naisip ko hindi naman ako tahimik na tao pero madalas pang gusto ko sa tahimik na lugar para mag-isip kaysa makihalubilo sa mga taong mapagpanggap at kala mo kaibigan mo pero tinatraydor ka naman pala.

Hindi ko na rin alam kung ano pang iisipin ko tungkol sa mga taong itinuring kong kaibigan, kung hindi nakikipagsigawan at nakikipaghalakhakan sa mga tao ayun naman at sige ng landi sa mga upperclassmen na nakikitang gwapo daw. Hindi ko rin alam kung bakit ako napasama sa mga ganitong tao ngayong nasa college na ako. Hindi naman ako ganito nung high school, kabarkada ko pa nga yung mga goody-goody eh.

Maraming magandang memorya ang bumabalik sakin kapag nag-iisa ako at nag-iisip lang. Introspective kumbaga, mahilig kasi ako mag-isip kahit minsan wala namang katuturan yung naiisip ko at least nagawa ko pang mag-isip, kesa naman dada ako ng dada at hindi naman pala tama yung dinadaldal ko.

Nakakapagod nga lang yung paulit-ulit yung naiisip mo, hindi ko alam kung san kasi ako lulugar sa mga bagay na dapat bigayang prayoridad kesa sa mga bagay na pwedeng ipagpaliban muna, tulad nung isang araw gusto ko talagang mag-audition sa singing contest sa college namin pero naisip ko rin na kailangan nakatuon ung pansin ko doon sa major exams namin na mangyayari na sa isang linggo, hindi naman pwede kasing laging petiks eh.

May mga bagay din na gumugulo sakin na hindi ko kayang ipagpaliban yung pansin tulad na lang ni Henry. 

Si Henry. Siya yung taong hindi alam na pinapasaya niya ako dahil lang sa pagsama-sama niya sakin kapag wala akong magawa. Hindi niya alam na kahit hindi kami nag-uusap masyado naappreciate ko yung lagi siyang nandyan sa tabi ko at walang sawang naghihintay. Bilib nga ako sa kanya eh, pag sa eskwelahan sobrang ingay niya pero pagkami na lang dalawa, magkahawak lang ang aming mga kamay at nakatingin sa di kalayuan kuntento na kami. Dahil kahit gusto naming nag-iisa parati, pag andyan kami para sa isa’t isa hindi kailangan ng salita para ipahiwatig kung ano ang nararamdaman namin.

 

 -originally posted on my tumblr acct on 08/06/12

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s