Pinakilala ko siyang boyfriend ko, sana totoo na lang ito.

Naglalakad kami palabas ng campus ng kaibigan ko at naalala kita at napangiti, naalala ko yung picture nating dalawa na chamba lang sa pagkakataon kaya nangyari.

“Hi meet my boyfriend.” sabi ko sa kanya sabay pakita ng phone ko na may picture nating dalawa.

“Seryoso? Boyfriend mo to, Jeng?” tanong niya sakin.

“De, joke lang. Asa namang boyfriend ko yan, e hindi naman ako kilala niyan. Crush ko lang yan eh.” sabi ko.

“Ayos ka rin eh, akala ko tuloy kayo, bagay kasi kayo eh.” sinabi niya at ngumiti.

“Sayang, kung kilala niya lang talaga ako, baka umariba pagiging friendly ko.” tawa ko.

“Loka ka talaga! Lalandi ka nanaman sa taong hindi pa abot ng reach mo.” banat naman niya.

“Wala naman masama sa pangangarap eh, at least alam kong hanggang pangarap lang siya” balik ko sa kanya.

Naisip ko lang na totoo yung sinabi ko, at least alam ko na hanggang pangarap ka lang at hindi na kita maabot, kung siguro naririnig mo ang mga tumatakbo sa utak ko nung mga panahon na ‘to, baka isipin mong may isang babaeng hindi ka man kilala ng lubusan ay napapraning dahil sa’yo. Pakilig ka kasi eh.

Originally posted on my tumblr on Januar 6, 2012

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s