Ayaw pero gusto

Naglalakad ako sa kung saan tayo unang nagkita, nasabi ko na sa sarili ko lahat ng dapat kong gawin para lang makalimutan ka at lahat ng namagitan sa ating dalawa.

Mahirap pa rin pala. Madaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Araw-araw dala-dala ko yung mga katarantaduhang naidulot mo sa’kin. Mga peklat na kahit kailan ay hindi mo na matatanggal sa pagkatao ko kahit ano pang gawin mo.

Hindi ko sinasabing kasalanan mo lahat ng nangyari sa ating dalawa, dahil may naging kasalanan din ako. Naniwala ako sa mga pambobolang pinagsasabi mo, nahulog ako sa mga pangako mong nung una ay kala mo pati ang mga tala maibibigay mo talaga sa’kin. Pinanghawakan ko yung mga kasinungalingan mo. Umasa ako sa mga salitang hindi ko alam kung nagkaroon man lang ba ng halaga sa’yo. Pinilit kong intindihin ka at huwag makinig sa sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa kahayupan mo.

Minahal kita, hindi na bago yun. Hindi na rin bago yun sa paingin ng mga taong nakasaksi sa kabaliwan ko, sa pag-aalala ko tuwing hindi ka nagpaparamdam, sa pagtulo ng mga luha kong parang hindi na natigil.

Gustuhin ko mang kalimutan ka at magsimula ng bagong buhay, hindi ko magagawa yun ng hindi ko inaalala kung ano ba yung mga bagay na natutunan ko nung nagmahal ako ng isang katulad mo.

Sa kabila ng lahat ng ‘yon, kung tatanungin ako kung anong gusto kong maulit sa buhay ko, isa ka sa mga taong ilalagay ko sa kategoryang ayaw pero gusto.

Originally posted on my tumblr on June 13, 2012

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s