Balat Kayo

Hindi ko inakala na siya pa yung gagawa sakin nito, hindi ko inakala na ako pang kaibigan niya ang tatraydorin niya. Matapos yung lahat ng pinagsamahan namin.

Ano na lang ba kami ngayon? Ano na lang ba yung mga nangyari na magkasama kami? Lahat ba yun gaguhan lang?

“Jen, tulala ka nanaman! Ano ba?! Lately, lagi ka na lang lutang. Okay ka lang ba?” tanong sakin ni Chelsea.

“Ha? Ako? Oo, okay lang ako.” ngumiti ako at binalingan ang homework sa Accounting na wala paring sagot, pano ko naman sasabihin sa taong kaharap ko na alam ko nang sinasaksak niya ako patalikod?

Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko parin maialis sa utak ko yung pag-uusap namin ni Jerry.

“Jen, ano ka ba? Hindi mo man lang ba icoconfront?” tanong niya.

“Eh bakit ko pa gagawin yun? Alam mo matagal na akong may kutob pero alangan naman diretsahin ko agad yung tao diba?” sagot ko.

“Eh bakit hindi? Ikaw naman tong argrabyado, ikaw pa yung umiintindi sa kagaguhan na yan!” pangsayaw niya.

“Alam mo, isip at bibig niya yan eh, pakialam ko ba kung gusto niya akong gawan ng kwento, kung ayaw na niyang magsabi sakin ng kung anu-ano pang kaplastican titigil din yan. Papagurin ko lang sarili ko sa kakapansin eh.”

“Hindi kita maintindihan. By this time, dapat naghuhurementado ka na sa galit mo dyan kay Chelsea eh! Eh bakit walang nangyayari?!” mas galit pa siya sa akin.

“Eh kasi wala ngang sense kung magalit ako! Hindi ako marunong umarte on impulse, alam mo yan! Pero alam ko sa sarili ko na konti na lang sasabog na rin ako.”

Hindi ko alam kung bakit kung sino pa yung tinuturing mong kaibigan siya pa yung taong mawawalan ka ng tiwala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s