Mr. Mysterious

I week to 8 months.

Ano bang meron sa’yo at hanggang ngayon hindi ka maalis sa sistema ko? Ano ba? Nakakabobo yung ganito. Ano ba yung nasa iyo at kumakapit parin ako sa napakaliit na tsansa na magkikita pa tayo ulit? 8 months na yung nakalipas boy, hindi ka parin mawala sakin.

Iniisip ko parin kung bakit ako hapit sa’yo, kung bakit ako nagkakaganito para sa isang taong hindi ko kilala yung pagkatao. Isang linggong landi ang nangyari sakin nun eh, kahit hindi ko naman nagawang lumandi. Hindi kasi ako ganung babae eh, simpleng kilig lang solve na ako.

May gusto ako sa’yo.

Pero bakit?

Bakit kita gusto? Hindi naman kita kilala, hindi naman kita kaibigan, and from what I have heard, babd boy pa ang image mo. Kilala ka ng mga tao sa college niyo, pero isang linggo lang talaga nagkrus ang mga landas natin at hindi na naulit yun.

Bakit kaya?

Bakit dumating sa point na naiinis na ako sa sarili ko kasi naiisip parin kita, na tinitignan ko parin yung twiiter at fb mo?

Bakit?

You’re not normally my type, yun eh kung may type ba talaga ako. At wow ah, ang kapal ko para sabihing normally eh hindi pa naman ako nagkakaboyfriend.

What if maging magkaibigan tayo, yung kaibigan lang talaga? Madisappoint kaya ako pagnakilala ko pagkatao mo? Kasi sabi nang isang kaibigan ko, pagnakilala mo ang isang tao na crush mo muna bago mo naging kaibigan hindi mo na siya magiging crush. Ganun din kaya ang mangyayari sayo?

Anyare? Hindi ko naman malalaman sagot dun eh, kasi naman hindi kita magiging kaibigan ever, kasi hindi kita nakikita, kasi itinadhana na siguro na pakiligin mo lang ako ng isang linggo pero sa kasamaang palad umabot ka ng 8 months.

Ikaw yung serendipity ko. Ewan ko, nandun parin yung hope na baka one of these days magkrus ulit ang mga landas natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s